The Confidential News

"To The Anne That Got Away" Open Letter to Anne Curtis!

A+ A-

All of us dream to take selfies with our favorite stars for remembrance or proof that we’d seen them in personal and that they took time to grant our request. However, for this man, being with his favourite stars particularly Anne Curtis only required a bit of effort and skills. Take a look at the following photos.
Nami-miss ko ang pamamasyal natin kasama ang kapatid mong si Jasmine.


Meet Melnar Arquillo, a simple individual who went viral because of his photoshop skills. On his latest post, he made an open letter to Anne Curtis which he entitled “An Open Letter To The Anne That Got Away” where he reminisced their fun moments together as best friends.
***An Open Letter To The Anne That Got Away***
Dearest Anne,
Kamusta ka na? Antagal na nating ‘di nagkikita. Ilang taon na nga ba? Isa? Dalawa? Tatlo? Di ko na maalala. Balita ko ikakasal ka na. Sana bago mangyari yun, magkita man lang tayo kahit sandali lang. Gusto ko sanang humingi ng tawad kung may nagawa man akong pagkakamali. Gusto ko sanang magbalik ang dati nating pagkakaibigan.
Napakadaming bagay ang nami-miss ko sa ating dalawa. Miss na kita, Bes.

Nami-miss kong mag-travel kasama ka.


Nami-miss ko yung ganitong moment. Iinumin ko pa sana ang lemonade kaso nilawlaw mo na ng kamay mo. Badtrip.

As hilarious as the caption of the album, Melnar chose some of Anne’s photo to be his subject and photoshopped himself into them. Few of the photos he chose to photoshop were snapped during Anne’s overseas trips with her fiancé Erwan Heusaff and sister Jasmin.
Minsan pa nga, electric fan ang dala ko para lang mahanginan ka – kahit ako itong mukhang may hangin sa utak.


Nami-miss ko ang panggagaya mo kay Rachel McAdams sa “The Notebook” tuwing nasa beach tayo. Magtatampisaw ka at mag-iimagine na isa kang ibon.
“Say I’m a bird!” sigaw mo mula sa malayo.
“No!” sagot ko naman.
“Say it!”
“You’re not a bird.”
C’mon just say it!”
“No.”
Tapos tatakbo ka palapit sakin at biglang sasampa. Mapapasigaw na lang ako: Ugh, that’s my bird!

Of course, he superimposed his photo over Erwan’s face making it looked like he was the one on vacation with Anne Curtis. The funniest photo among the bunch taken during Anne’s beach trip where Erwan or rather Melnar carried her while Anne wrapped her legs around his torso. We also found the last photo hilarious due to its caption which Melnar funnily brought up the story behind the photo that it was taken during his birthday the same day when Anne has her monthly cycle. We will just be leaving to you to read the entire caption of the said photo. It really was full of wit.

Natatandaan mo ba noong birthday ko? Noong sumampa ka sa balikat ko? Pag baba mo, may bakas na ng karahasan ang batok ko. Di mo sinabing buwanang dalaw mo pala. You don’t even “whisper” it to my ears .
Kinagabihan, naglasing tayo para i-celebrate ang birthday ko. Yun din ang gabing na-isyu ka kasi sinabihan mo si John Lloyd na kaya mo siyang bilhin pati ang barkada niya at ang buong bar. Grabe ka, Bes! Samantalang noong pinabibili ko sayo yung gusto kong sapatos, di mo mabili. Tapos makukuha mo pang bilhin si John Lloyd at ang barkada niya. Aanhin naman natin sila?
Pag-uwi natin, I tried to calm you down. Ito din ang nakita kong paraan para finally ay umamin na ako sayo – na higit pa sa bestfriend ang turing ko sayo.
“Anne, may aaminin ako,” sabi ko.
“Ako din,” sagot mo.
Nagturuan pa tayo kung sinong unang dapat na umamin pero napilit kitang ikaw muna.
“Anong aaminin mo?” tanong ko.
“Sinagot ko na ang mangliligaw ko,” sagot mo.
“Ha? Sino?”
Si Erwan. Yung kapatid ni Solenn.”
Bilang bestfriend mo, dapat maging masaya kasi masaya ka pero iba ang naramdaman ko. Nalungkot ako.
Simula noon, di na tayo nakakapamasyal. Madalas mo nang kasama ay si Erwan. Pag nagkikita tayo sa mall, nginingitian mo na lang ako. My bestfriend became a total stranger. Pero kahit nagkaganito tayo, ikaw pa rin ang tinuturing na pinakamatalik kong kaibigAnne. Hanggang dito na lamang.
Nagmamahal, Na-Friendzone, Nasaktan, Nag-Photoshop,
MILNARYO

Apart from photos with Erwan and Jasmin, Melnar also photoshopped some of Anne’s OOTD snaps where he proved that he certainly is the ultimate bestfriend of Anne who is always behind the camera supporting the actress on all her shots to make them look “bongga”.

This is not the first time Melnar’s photoshopped photos went viral. Way back, he was featured by the local online news sharing site When In Manila for his post showing the aftermath of marrying Kim Domingo.


***An Open Letter To The Anne That Got Away***Dearest Anne,Kamusta ka na? Antagal na nating 'di nagkikita. Ilang
Melnar Arquillo 发布于 2017年6月14日
Loading...

Other Post

Viral 5548034877273326577

Post a Comment Google Plus

emo-but-icon

Loading...
X

Like Us on Facebook!

Show your Support. Become a FAN!

Thank You!

item